Posted in Travel

Mt. Pulag Survival

Early this year, we were invited by a friend to climb Mt. Pulag. Sabi nila may sea of clouds sa taas kaya sulit ang akyat. At dahil narinig ko ang sea of clouds, push na. It was my second climb, my first was at Mt. Lubog, which I will write about on a separate blog.

So ayun na nga, we joined the climb. Fee was 2700 php including 4 hosted meals. Friday night ang meet up then Monday na ng madaling araw ang dating sa Manila. Since I was on a night shift, kinailangan kong mag VL ng isang araw para makasama. Most of the participants were my husband’s officemates. So we basically know each other.

Before kayo umalis, make sure you bring the following:

  • 3 sets of clothes (sakin 5 sets kasi tatlong patong ang suot ko paakyat)
  • 2-3 sets of socks
  • Bonet / head gear
  • Rain Coat
  • Thermal / Fleece jacket (this is a must kung gusto nyo pa makaramdam ng kahit konte lang)
  • Gloves
  • Headlamp / Flashlight with spare batteries
  • First Aid Kit
  • Sleeping Mat
  • Sleeping Bag
  • Emergency Blanket (makakatulong talaga to lalo na sa tuktok)
  • Tent
  • Trail Food (jelly ace ang pinakamagandang dalhin, nuts, chocolates – nakakauhaw to kaya di ako nagdala)
  • Water

Karamihan sa gamit na dala ko binili ko sa ace hardware at sa BaseKamp sa Market Market. Yung sleeping bag 1050 php isa, magandang klase na yun. Mas mahal sa ace hardware yung mga sleeping bags eh, and hindi ko gusto quality nung mura. Yung emergency blanket 100 php each sa BaseKamp, dun na rin kami bumili ng gloves around 70 php each pair.  Wala akong dalang rain coat nun pero nakabili ako recently sa Ace Hardware for 278 php.

A total of four vans departed from Cubao. We met at 11:00 p.m. pero dahil Filipino time, we left at around 1:00 a.m. Hanggang Baguio lang yung Van which was good because we rode the monster jeepney from Baguio to ranger station camp. Pwede kasi magtop load which was also an experience. Kaso dahil masungit ang asawa ko, di nya ko pinayagan sumakay sa taas, malakas daw ang hangin at mahuhulog ako (may pagkatanga pa naman daw ako). We had our brunch along the way, dun sa may hanging bridge sa may Ambuklao dam.

Cubao Meet-up
Taho breakfast in Baguio
Topload
Topload
Hanging Bridge, Ambuklao

Maaga kaming nakarating sa Visitor’s Center for registration and orientation. Kaso sobrang dami ng tao, ang tagal naming naghintay. Medyo nakakainip kasi wala namang ibang magagawa dun sa center. Though marami palang tindahan sa may tapat, so if ever may nakalimutan kang dalhin, may mabibilhan ka ng mga gamit. Bumili kayo ng hand gloves dun kung wala kayo, kakailanganin nyo paakyat. Mura lang naman yung mga tinda.

Around 3:00 p.m. na kami nakarating sa camp. We were supposed to stay at camp 2 pero sarado dahil sobrang lamig daw. It was better though kasi naiwan namin mga gamit namin sa ranger station camp. Malaking ginhawa na walang dala paakyat at pababa. We set up our tent and rested for a couple of hours. Early dinner kami kasi 1:00 a.m. ang start ng trek.

Sobrang lamig, feeling ko freezing point talaga. January kasi yun so malamang malamig talaga. Di kami nakatulog nang maayos dahil nanginginig kami sa lamig kahit ilang patong na damit na suot namin. Basang basa nga yung tent namin dahil sa moist. Buti nalatagan ko ng trash bag yung ilalim so medyo nakatulong. Yung sa side yung wala kaming magawa kaya nagsiksikan kami sa gitna para wag madikit sa side ng tent.

Mga 12 a.m. nagising na kami para makapagprepare for the trek. Nagnoodles kami para magkalaman yung tyan namin. Wala ng ligo ligo, ang ginaw eh. Numb ang buong katawan ko, wala talaga kong nararamdaman, kahit ilang patong pa ang suot ko, kahit nakabonet at gloves pa ko. Parang kulang pa rin. So if ever maisipan nyo umakyat from December to February, iready nyo ang sarili nyo pati na rin ang mga isusuot ninyo and make sure kaya kayong ipaglaban.

Nagstart na kami umakyat ng 1:00 a.m. Single file lang dapat, konting mali kasi, bangin na ang hantungan mo. Di ko masyadong naramdaman ang pagod, may mga stop over naman na mga ilang minutes. Hindi ko naisip na matagal ang pag akyat, hindi naman kasi ako excited lagi sa tuktok. Mas ninanamnam ko yung journey. Hindi ako nagmamadali makaakyat. Kasi kahit ano pang mangyari, makakarating din naman ako. And I am fully aware na di naman kami magtatagal sa tuktok, sandali lang tapos bababa na rin. Isang part lang talaga ko nahirapan, yung last na paakyat. Sobrang tarik kasi, kailangan ng malakas na pwersa. Maaga kami nakarating ng summit, 5:00 a.m. lang yata yun so medyo naghintay pa kami for sunrise. Grabe sa summit, ang lakas ng hangin na sobrang lamig. Ikinumot ko na yung emergency blanket dahil di ko talaga kinakaya ang lamig at hangin. Ang sarap mahiga lang habang naghihintay. And the sunrise was perfect. It was worth all the effort to go up.

Nagpunta pa sa kabila yung iba naming mga kasama, nagpaiwan na lang kami ng husband ko. Same lang naman ang view. And gusto ko pa magpahinga lang habang nasa tuktok. Sayang yung ibababa at iaakyat ulit, pwede ko naman namnamin ang moment ko dun na lang. Nagpicture pa kami ng marami tapos nung mainit na, bumaba na kami. Around 7:30 siguro yun.

Nahirapan ako sa pababa, or should I say, naiinip ako. Kasi nakita ko na lahat yung dinadaanan namin. Walang bago, except maliwanag na nung pababa. Medyo mainit na rin pero di ko pa rin kayang tanggalin ang kahit isang patong lang na jacket ko. Pababa na pero marami pa ring paakyat. Mas nakakapagod. Pero ang ganda ng view. Ang sarap tingnan lang. Ang sarap namnamin ng pagkakataon na makalanghap ng sariwang hangin at makita ang napakalawak na bulubundukin na kulay luntian. Malayo sa polusyon at matataas na gusali ng kamaynilaan.


Sumuko ako bandang 11:30 a.m. Sobrang init na kasi at may nakita akong option. Siguro sa buhay ganun din, kakayanin natin kung iyon lang naman ang choice natin. Pag may nakita tayong mas madaling paraan, dun na lang tayo kahit kaya pa talaga natin. May habal habal kasi na naghihintay. Though malapit na rin naman, tinatamad na talaga ko at init na init. So sumakay na kami, 100 php ang pamasahe hanggang sa ranger’s station. Medyo mahal pero kebs. Mas gusto ko na makarating at kumain. Pagdating sa camp, naglunch na kami agad. Tapos naligo at nagprepare na pauwi. Dumaan kami sa Baguio for our dinner then derecho na sa Manila.


Nabili ko yung dri fit shirt sa center bago umakyat. Sure ako na makakaya ko eh. Masaya yung experience. Though di ko sya uulitin anytime soon. Aakyat muna ko ng ibang bundok. Yung di masyadong malamig. :mrgreen:

Advertisements

One thought on “Mt. Pulag Survival

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s